Mga Mensaheng Ibinahagi sa mga Iglesiya
Sa South Tarlac District at Quezon City
---
---
Inihanda ni
Rev. ANACLETO G. GUERRERO, S.TM.
Nilimbag: Dasmarinas, Cavite
February 2004
---
---
Inihahandog kay Claire
---
---
Mga Nilalaman:
---
---
(1) Ang Pagiging Tagasunod ng Diyos
..... 1 Samuel 7:2-4
---
(2) Mga Dapat Gawin ng mga Anak ng Diyos
..... Awit 26:1-12
---
(3) Ang Gagawin ng Ating Diyos
..... Awit 48:1-15
---
(4) Ang Gagawin ng Nagkasala
..... Awit 51:1-15
---
(5) Ang Diyos na Ating Sanggalang
..... Awit 115:9-18
---
(6) Ang Pagsunod kay Cristo
..... Marcos 8:27-38
---
(7) Si Jesus Ang Pundasyon
..... 1 Corinto 3:9b-15; Mateo 7:24-27
---
(8) Ang Dapat Maging Buhay
..... ng Mananampalataya
..... 2 Corinto 13:1-13
---
(9) Ang Pagiging Alagad ng Diyos
..... 2 Corinto 13:13
---
(10) Mga Tagubilin Sa mga Tagasunod ng Diyos
..... Santiago 1:19-25
---
(11) Pamumuhay na Ayon sa Diyos
..... Santiago 4:1-10
---
(12) Isang Huwarang Babae
..... Kawikaan 31:10-31; Filipos 4:13
..... [Mensahe ni Mrs. Clarita D. Guerrero]
---
(13) Pamumuhay ng mga Mananampalataya
..... 1 Pedro 2:11-17
---
(14) Mga Tagubilin sa Halalan
..... Exodo 18:17-23
----
(15) Paghahanda sa Pagdating ng Panginoon
..... 1 Tesalonica 5:1-11
---
---
Paunang Salita
---
---
Ang mga mensaheng ito ay inihanda para sa mga iglesiyang nadalaw na ng sumulat at ginamit na mensahe para sa pananambahan sa araw ng linggo. Karamihan sa mga ito ay mga aral na hinango sa leksionaryo ng Iglesiya at siyang ginamit na batayan ng mga mensahe.
---
Madaling makita na ito ay mga "outline" lamang at hindi ito ang kabuoan ng mensahe na narinig ng mga kapatid sa iba’t ibang iglesiya. Minabuti ng sumulat na ilagay sa ganitong kalagayan upang makatulong sa mga naguumpisa sa ministeryo. Ang mga mensaheng ito ay inihanda hindi para sa mga iskolar sa Biblia o mga matatanda na sa serbisiyo. Ang mga mensaheng ito ay para sa mga taong interesadong matuto sa buhay Cristiano at pagiging mananampalataya.
---
---
(1) ANG PAGIGING TAGASUNOD NG DIYOS
..... 1 Samuel 7:2-4
Panimula
---
Para sa araw na ito, gagamitin ko ang isang pangyayari sa unang aklat ni Samuel para sa ating pagbubulaybulay --- 1 Samuel 7:2-4, mga tatlong talata lamang.
---
1 Samuel 7:2-4
---
Ang bahaging ito ng Unang Samuel ay nagsasaad ng pamamahala ni profetang Samuel sa Israel ng dala-wampung taon. Natutong magsisi at manumbalik kay Yahweh ang mga Israelita. At bilang paalaala ni Samuel sa lahat na Israelita, ganito ang sinabi niya sa kanila:
Mga Aral Mula Sa Mga Talata---"Kung talagang manunumbalik na kayo kay Yahweh, talikdan ninyo ang inyong mga diyus-diyusan pati si Astarte. Italaga ninyo kay Yahweh ang inyong sarili at siya lamang ang inyong paglingkuran. Sa gayon ililigtas niya kayo sa mga Filisteo" (1 Samuel 7:3). ["Kaya , tinalikdan nila (ibig sabihin, ang mga Israelita) ang diyus-diyusan nilang si Baal at Astarte, at kay Yahweh na lamang sila nagling-kod." -- 1 Samuel 7:4.]---
---
Sino sila Astarte at Baal na sinasamba ng mga tao sa paligid ng mga Israelita, at sinamba rin ng mga ibang Israelita? Si Astarte ay "Diyosa ng kasaganaan at digmaan na sinasamba ng maraming nakatira sa lupain ng Punong Silangan." At si Baal naman ay "Ang diyus-diyusan ng kasaganaan na sinasamba ng mga Cananeo." Ito ang mga dinidiyos ng mga tao noon. Maging sa ating panahon, hindi lamang dito sa Pilipinas, marami ang dinidiyos ng mga tao --- mga kapwa tao at mga hindi nakikitang inaakalang may kapangyarihan, kagaya ng mga "anting-anting" at mga "pamahiin." Ito ang mga dapat talikuran ng mga tao, mga bagay na umaalipin sa kanila, sa pag-iisip at sa kanilang mga pang-araw-araw na kalagayan. Mula sa mga talatang ito, may mga aral na dapat nating bigyan ng masusing pansin: (1) pagtalikod sa mga diyus-diyusan; (2) pagtatalaga ng sarili sa Panginoong Diyos na si Yahweh; at (3) paglilingkod sa kanya lamang.
---
(1) Pagtalikod sa mga diyus-diyusan. Maraming bagay ang umaalipin sa mga tao, at ang mga tao naman ay nagpapaalipin sa maraming bagay. Puwede nating banggitin ang mga bisyo na pinag-uukulan ng mga tao sa kanilang kabuhayan. Pati ang kanilang pamilya ay naapektuhan, kagaya ng sugal, droga, kasakiman, pag-iimbot, pagkamkam ng kahit anong ari-arian, pagiging makasarili. Maging sa mga araw na ito, marami pa rin ang sumasamba sa mga rebulto at mga santo. Ang lahat ng ito ang sinasabi ni Samuel na dapat talikuran ng mga tao, sa kaniyang panahon at hanggang sa ating kapanahunan.
---
Mula sa Isaias 44:9-20, mababasa natin ang tungkol sa walang kabuluhang pagtitiwala at pagsamba sa mga diyus-diyusan. (Basahin ang buong bahaging nabanggit.)
---
(2) Pagtatalaga ng sarili sa Panginoong Diyos na si Yahweh. Ito ang dapat na gawin ng mga taong nagsasabing mayroon silang pananampalataya sa Diyos. Ito’y pag-aalay ng sarili sa ating Panginoon. Sabi ni San Pablo sa Roma 12:1-2,
---"Kaya nga mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako’y namamanhik sa inyo: ialay ninyo ang inyong sarili bilang handog na buhay, banal at kalugudlugod sa kanya. Ito ang karapatdapat na pagsamba ninyo sa Diyos. Huwag kayong umayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba na kayo at magbago ng isip upang mabatid ninyo ang kalooban ng Diyos — kung ano ang mabuti, nakalulugod sa kanya, at talagang ganap."---
(3) Paglilingkod sa kanya lamang. Ang pag-lilingkod sa Diyos ay nagagawa sa iba’t-ibang paraan. Tandaan lang po natin na sa kanya lamang tayo mag-lilingkod. Ang paala-ala ni apostol Pablo sa mga taga-Colosas ay mahalaga. Sabi niya sa Colosas 3:17 at 23-24,
---"At anuman ang gagawin ninyo, maging sa salita o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus, at sa pamamagitan niya’y magpasalamat kayo sa Diyos Ama. x x x x Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang magaan sa kalooban na waring hindi sa tao kayo naglilingkod kundi sa Panginoon. Alam naman ninyong gagantimpalaan kayo ng Panginoon; tatanggapin ninyo ang inilaan niya sa kanyang mga anak. Sapagkat si Cristo ang Panginoong paglilingkuran ninyo."---
Pangwakas
---
Muli nating banggitin ang mga aral na nakuha natin sa mga pangyayari na nakatala sa Unang Samuel. Ipinamamanhik ng Banal na Kasulatan sa ating lahat ang mga aral na ito: (1) pagtalikod sa mga diyus-diyusan; (2) pagtatalaga ng sarili sa Panginoong Diyos na si Yahweh; at (3) paglilingkod sa kanya lamang. Sana’y maging buhay sa ating pananampalataya ang mga aral na ito mula sa Biblia.
---
---
---
(2) Mga Dapat Gawin ng mga Anak ng Diyos
..... Awit 26:1-12
---
Panimula
---
Tatalakayin natin ngayon ang isang kabanata mula sa mga Awit — Awit 26:1-12, at ito’y pinamagatang "Mga Dapat Gawin ng mga Anak ng Diyos." Ano ba ang mga dapat gawin ng mga anak na Diyos bilang mga tagasunod at nananampalataya sa Panginoon.
---
Awit 26:1-12
---
Ang buong Awit 26 na may labindalawang talata, ay panalangin ng isang mabuting tao, at may paniwala ang mga matatalino sa pag-aaral ng Biblia na ito’y sinulat ni David. May mga bagay na dapat nating pansinin, at ang mga ito’y nasa mga talatang 4-5, mga bagay na dapat gawin ng mga anak ng Diyos: (1) Hindi makikisama sa mga taong hunghang [v.4a]. (English: "Do not keep company with worthless people."); (2) Hindi makikiisa sa mga taong mapagpaimbabaw [v.4b]. (English: "Have nothing to do with hypocrites."); (3) nasusuklam sa pangkat ng mga masasama [v.5a]. (English: "Hate the company of evil men."); at (4) Walang hangad na makihalo sa mga masasama [v.5b]. (English: "Avoid the wicked"). Pag-ukulan po natin ng pansin ang mga ito.
---
1. Hindi makikisama sa mga taong hunghang [v.4a]. Ang tinatalakay dito ay ang "pakikisama." Anu-ano ang mga nakikita nating pakikisama sa ating kapaligiran? Ano ang pakiramdam natin kapag may nagsasabi sa atin, "Makisama ka naman!" Marami ang klase o uri ng pakikisama. May nakikisama sa kabutihan; at may nakikisama din sa kasamaan.
---
Sa mga magkakaibigan, kung minsan dito nasu-sukat ang katapatan sa relasyon bilang magkakaibigan; kaya lang, kung minsan, ito’y nauuwi sa pagkakasala at paglabag sa batas ng ating bayan. Sa isang dako, ano namang pakikisama ang nangyayari sa mga nakakataas ng puwesto? Pagsasamantala at pagpapahirap sa mga nakakababa. At marami pang ibang pakikisama na ating nakikita — mga magkababayan, mga magkaklase o magkaeskuwela, mga magkakamag-anak, mga nagsusugal, at iba pa.
---
2. Hindi makikiisa sa mga taong mapagpaimbabaw [v.4b]. Ito yaong sinasabing "mga ipokrito." Ang tawag ng mga kabataan ngayon sa ganitong uri ng ugali — mga plastik, mga mapagkunwari. Anu-ano ang makikita sa mga ipokrito o mga plastik ang pag-uugali? Mabuti kang tao kapag ikaw ay nakaharap; ngunit kung ikaw ay nakatalikod, ikaw ang pinakamasamang nilalang. Maki-kita nating walang katapatan ang mga ito. Para silang mga "chameleon" — isang uri ng butiki, na kung saan siya nakakapit ganoon din ang magiging kulay noon. Parang mga "sa pula, sa puti" na kung sino ang kausap nila, ganoon sila — sa Kapampangan: "karing magbanal-banal."
---
3. Nasusuklam sa pangkat ng mga masasama [v.5a]. "Pangkat" ang tinutukoy dito. Anong pangkat ang ating sinasamahan? Ang pangkat bang ito ay nasa matuwid? O ito’y nasa liku-likung daan. Ang pangkat ba na iyong kinabibilangan ay pangkat ng mga may takot sa Diyos, o pangkat ng mga sumusuway sa Panginoon. Isipin natin ang maraming pangkat na kinaaaniban ng mga tao — mga "fraternity" o "sorority," mga "gangs" o mga samahan, na kung minsan nagiging sindikato o mga galamay ng masasamang tao o kapulungan.
---
4. Walang hangad na makihalo sa mga masasama [v.5b]. Ang tinutukoy dito ay ang "hangad" ng isang tao. Ano ba ang hangarin ng mga tao? Maraming hangarin sa mundong ito — na kung minsan nagiging ambisyon. Kung ang hangad ay nasa mabuting landasin, makakarating ka sa tamang direksiyon. Ang hangad ng mga taong may pananampalataya ay ang maging tunay na anak ng Diyos, ang pagiging tapat sa Kanya, at higit sa lahat, ang pamumuhay na nasa silong ng pananampalataya at pag-ibig sa Diyos.
---
Pangwakas
---
Sa ating pagwawakas, review-hin muli natin ang mga dapat gawin ng mga anak ng Diyos: (1) Hindi makikisama sa mga taong hunghang [v.4a]; (2) Hindi makikiisa sa mga taong mapagpaimbabaw [v.4b]; (3) Nasusuklam sa pangkat ng mga masasama [v.5a]; at (4) Walang hangad na makihalo sa mga masasama [v.5b].
---
---
---
(3) Ang Gagawin ng Ating Diyos
..... Awit 48:1-15
---
Panimula
---
Sa araw na ito, Mga Awit, 48:1-15 ang ating pag-uukulan ng pansin. Ang "Mga Gagawin ng Ating Diyos" para sa mga nananalig at nananampalataya sa kanya ang ating pag-uusapan.
---
Mga Gagawin ng Diyos Para sa mga Mananampalataya
---
Sa loob ng Salmong ito (Salmo 48) na may labing limang talata may mga bagay na dapat nating pansinin, mga bagay na tiyak na gagawin ng Diyos sa atin kung tayo ay nananampalataya sa Kanya. May tatlong bagay akong nakita dito: (1) sa piling ng Diyos ligtas ang sinuman (v.3a); (2) ang Diyos ang mag-iingat magpakailanman (v.8d); at (3) sa buong panahon ang Diyos ang patnubay.
---
(1) Sa piling ng Diyos ligtas ang sinuman (v.3a). Ipinakikita ng talatang ito ang kaligtasan, isang kaligtasan na matatagpuan lamang sa piling ng Diyos. Maraming tao ang naghahanap ng kaligtasan sa iba’t-ibang lugar at sa pamamagitan ng iba’t-ibang paraan. Ang iba’y ang pagsapi sa relihiyon, ngunit hindi relihiyon ang magliligtas sa tao. Ang iba’y ang pagsunod sa mga ritual at tradisyon, subalit hindi ritual at tradisyon ang magliligtas sa tao. Ang iba nama’y ang kanilang paggawa ng mabuti, datapwa’t hindi sa paggawa ng mabuti ang magliligtas sa tao. Kung ganoon, ano at saan matatagpuan ng tao ang kaligtasan? Sa Mga Gawa 16:30-31, may mababasa tayong isang taong nagtanong tungkol dito, isang bantay ng mga bilanggo, ang bantay nila Pablo at Silas na noon ay nasa bilangguan. Ito ang ating mababasa:
------"Inilabas niya [Inilabas ng bantay] ang mga ito [sina Pablo at Silas] at sinabi, ‘Mga ginoo, ano po ang dapat kong gawin upang ako’y maligtas?’ Sumagot sila, ‘Su-mampalataya sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka -- ikaw at ang iyong samba-hayan.’"
Ipinahayag nina Pablo at Silas ang salita ng Panginoon at sa lahat ng nasa kanyang bahay. Ang resulta: natutong sumampalataya sa Diyos at sila’y nagpabautismo. Dito makikita ang katuparan ng nasa Salmo --- nasa piling ng Diyos ang isang tiyak na kalig-tasan. Tayo ba ay nasa piling o kalinga ng Diyos dahil tayo ay may pananampalataya at sumusunod sa Kanya?
---
(2) Ang Diyos ang mag-iingat magpakailanman (v.8d). Ang pag-iingat ay nasa Diyos magpakailanman --- isang pag-iingat na lubusan at mapagkakatiwalaan. Maging ang mga taong parang wala nang pag-asa, kung sila’y lalapit lamang sa Diyos, iingatan sila. Pakinggan ninyo ang sinasabi ng Salmista sa Awit 116:6,15:
---"Si Yahweh ang nag-iingat sa wala nang sumaklolo,
Noong ako ay manganib, iniligtas niya ako.
x x x x x x x x x
Masakit sa kalooban ni Yahweh kung may papanaw,
Kahit ito ay iisa, labis siyang magdaramdam."
Ang panalangin ng Salmista na isang mananam-palataya sa Diyos
ay matatagpuan sa Salmo 141:3-4.---
Ito ang panalangin:
---"O Panginoon ko, bibig ko’y bantayan, ang mga labi ko’y
lagyan mo ng bantay.
Huwag mong babayaang ako ay matukso,
sa gawang masama ay magumon ako;
ako ay ilayo, iiwas sa lilo,
sa handaan nila’y nang di makasalo."---
(3) Sa buong panahon ang Diyos ang patnubay (v.15). Hindi lamang kaligtasan at pagiingat ang tatamuhin ng isang mananampalataya. Ang patnubay ng Diyos ay palaging kakamtan sa buong panahon. Ang susi nito ay ang tauspusong pagsunod sa Diyos at taimtim na pagtalima sa kanyang mga salita. Ang bagay na ito ay makikita sa uri ng pag-ibig ng Diyos. Sa Salmo 118:1-4, makikita natin ito. Tungkol sa pag-ibig ng Diyos, apat na bagay ang sinabi: una, "Ang kanyang pag-ibig ay napakatatag at mananatili" (118:1b); pangalawa, "Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi kukupas" (118:2b); pangatlo, "Ang pag-ibig ng Diyos ay walang katapusan" (118:3b); at pang-apat, "Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi magwawakas" (118:4b).
---
Pangwakas
---
Repasuhin natin ang ating nalaman tungkol sa mga gagawin ng ating Diyos sa lahat ng mga nananampalataya ayon sa Awit 48: (1) Sa piling ng Diyos ligtas ang sinuman (v.3a), na ang ibig sabihin, nasa sa mga kamay ng Diyos and ating kaligtasan. (2) Ang Diyos ang mag-iingat magpakailanman (v.8d), na ang ibig sabihin, nasa Panginoong Diyos ang pag-iingat na ating inaasam. (3) Sa buong panahon ang Diyos ang patnubay, na ang ibig sabihin, nasa pag-ibig at awa ng Diyos ang ating patnubay. Sana makamtan natin ang lahat ng ito dahil tayo ay nananam-palataya at sumusunod sa mga tagubilin at Salita ng ating Diyos.
---
---
---
---
(4) Ang Gagawin ng Nagkasala
..... Awit 51:1-15
---
Panimula
---
Gamitin po nating ang Salmo 51:1-12. Ang ating pagbubulaybulay ay pinamagatang "Ang Gagawin ng Nagkasala."
---
Salmo 51:1-12
---
Ang buong Salmo 51 (1-19) ay isang dalangin ng paghingi ng tawad mula sa Diyos. Dito natin makikita kung ano ang gagawin ng isang nagkasala sa Panginoon upang magkaroon ng kapayapaan at kapatawaran. May mga bagay na dapat nating bigyan ng pansin: (1) Pagtanggap ng kasalanan at pagkukulang (vv.1-5); (2) Pagkilala ng kailangan mula sa Diyos (vv.6-11); at (3) Panalangin ng pagliligtas ng Diyos (vv.12-15).
---
(1) Pagtanggap ng kasalanan at pagkukulang (vv.1-5). Ito ang unang gagawin ng isang nagkasala --- ang tanggapin niya ang kanyang pagkakasala. Kailangang tanggapin ng isang nagkasala na siya’y may kasalanan sa Diyos; na siya ay marumi; na siya’y nakagawa ng pagsalansang sa harapan ng Panginoon; na siya’y masama. Puro negatibo ito, ngunit ito ang dapat na tanggapin ng isang taong nagkasala. Nasa kanya ang halos lahat ng negatibo kaya’t dapat siyang lumapit sa Diyos at humingi ng kapatawaran. Kailangan bang manatili ang isang tao sa mga bagay na ito? Kung nais mong magkaroon ng isang buhay na maayos at matuwid, tanggapin ang mga pagkukulang na ito at ihingi ng kapatawaran.
---
(2) Pagkilala ng kailangan mula sa Diyos (vv.6-11). Napakarami nating kailangan sa Diyos. Ang katunayan araw-araw na humihingi ang mga tao ng kanilang panga-ngailangan. Kaya lang, anu-ano ba ang dapat nating kilalaning mga kailangan natin? Mula sa mga talatang 6-11 mababanggit natin ang mga sumusunod: una, isang pusong tapat; pangalawa, dunong ng Diyos na wagas; pa-ngatlo, paglilinis at paghuhugas ng sala; pang-apat, kapuspusan; at panglima, kagalakan.
---
(3) Panalangin ng pagliligtas ng Diyos (vv.12-15). May nakalaang kaparusahan sa lahat ng kasalanan, kaya kailangan natin ang pagliligtas ng Diyos. Lahat ng makasa-lanan ay dapat lumapit sa Kanya, at ang mga nakakikilala sa Diyos ay dapat nilang tulungan ang mga hindi pa nakakakilala. Isinasaad sa mga talata na kailangan natin ang pag-iingat ng Diyos.
---
Pangwakas
---
Anu-ano ang ating mga hinihingi sa Diyos? Maliwanag ba sa ating lahat ang ating kailangan sa Kanya? Baka naman ang nasa puso at isip natin ay ang mga material na bagay na tatamasahin lamang dito sa mundo? May higit pang pangangailangan ang dapat na ilapit sa Diyos --- (1) Pagtanggap ng kasalanan at pagkukulang (vv.1-5); (2) Pagkilala ng kailangan mula sa Diyos (vv.6-11); at (3) Panalangin ng pagliligtas ng Diyos (vv.12-15). Ano ang dalangin natin? Mula sa Santiago 4:6-10 ito ang ating mababasa:
---"Ngunit higit na malakas ang tulong na ibinibigay sa ating ng Diyos. Sapagkat ang sabi sa Kasulatan: ‘Ang Diyos ay laban sa mga palalo, ngunit tumutulong sa mga mapagpakumbaba.’ Kaya nga, pasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan niya kayo. Lumapit kayo sa Diyos at lalapit sa inyo. Linisin ninyo ang inyong mga kamay, kayong makasalanan! Linisin ninyo ang inyong puso, kayong pabagubago ang isip. Mamighati kayo, maghinagpis at tumangis. Palitan ninyo ang pagluha ang inyong halakhakan, at ang kapanglawan ang inyong kagalakan. Magpakababa kayo sa harapan ng Panginoon at itataas niya kayo."---
---
---
---
(5) Ang Diyos na Ating Sanggalang
..... Awit 115:9-18
---
---
Panimula
---
Mula sa Mga Awit 115:9-18, nais kong talakayin natin ang tungkol sa "Diyos Na Ating Sanggalang" bilang pagtanaw sa kabutihan ng Diyos sa kanyang mga nilalang, lalung-laluna sa mga mananampalataya.
---
Awit 115:1-18
---
Ang Salmong ito ay isang "Awit para sa Iisa at Tunay na Diyos." Inihahandog ito ng Salmista sa ating Diyos sapagkat saksi siya sa mga pagsamba ng mga tao sa kani-kanilang mga diyus-diyusan. Pakinggan ninyo ang sinabi ng Salmista sa Awit 115:4-7:
---
"Ginawa sa ginto’t pilak ang kanilang mga diyos,
Sa kanila’y mga kamay nitong tao ang nag-ayos.
Totoo nga na may bibig, ngunit hindi magsalita,
At hindi rin makakita, mga matang sadyang-sadya.
At hindi rin makarinig ang kanilang mga tainga,
Ni hindi rin makaamoy ang ginawang ilong nila.
Totoo nga na mayroong kamay ngunit walang pakiramdam,
Mga paa’y mayroon din ngunit hindi maihakbang.
Ni wala kang naririnig kahit gamunting tinig man."---
At mula naman sa talatang 9 hanggang sa ika-18, mayroon tayong mga bagay na dapat pansinin, at mga aral na dapat nating tandaan: (1) ang Diyos ang sanggalang; (2) ang Diyos ang tutulong; (3) ang Diyos ang mag-iingat; at (4) ang Diyos ang magpapala.
---
1. Ang Diyos ang sanggalang. Ang salitang sanggalang ay kaakibat ng salitang pananggalang. Ang Diyos ang siyang magtatanggol sa atin. At upang lubusan ang pagtatanggol ng Diyos, ang sabi ni Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Efeso, 6:10-13,
---"Sa wakas, magpakatibay kayo sa pamamagitan ng inyong pakikipag-isa sa Panginoon at sa tulong ng dakilang kapangyarihan niya. Isuot ninyo ang baluting kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang mga lalang ng diyablo. Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga maykapangyarihan, at tagapagmahala ng kadilimang namamayani sa sanlibutang ito -- ang mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid. Kaya’t isuot ninyo ang baluting mula sa Diyos. Sa gayon, makatatagal kayo sa pakikipaglaban pagdating ng masamang araw na iyon, at pagkatapos ng inyong pakikipaglaban ay matatag pa rin kayong nakatayo."---
2. Ang Diyos ang tutulong. Sa panahon ng pangangailangan ng mga tao hindi ito lingid sa Diyos. At sa panahon ng pangangailangan ng mga tao, alam ba nila kung kanino sila lalapit? Marami ang lumalapit sa mga diyus-diyusan, mga hindi tunay na Diyos. Kailangang malaman ng tao kung sino ang kanyang lalapitan at tawagan. Ipinaaalaala sa mga tao na mayroong Diyos na nakahandang tumulong -- ang Diyos na makapangyarihan sa lahat na nakahandang tumulong. Siya ang Diyos na nakakarinig sa ating mga dalangin; ang Diyos na nakakakita ng ating pangangailangan, ang Diyos na nakakadama ng ating damdamin, ang Diyos na nakalaang tumulong sa ating kahinaan. Ito ang sabi sa Awit 91:14-16,
---"Ang sabi ng Diyos, ‘Aking ililigtas ang tapat sa akin,
At iingatan ko ang sinumang taong ako’y kikilanlin.
Pag sila’y tumawag, laging handa ako na sila’y pakinggan,
Aking sasamahan at kung may hilahil ay sasaklolohan;
Aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan.
Sila’y bibigyan ko’t gagantimpalaan ng mahabang buhay,
At nakatitiyak na ang tatamuhin nila’y kaligtasan."---
3. Ang Diyos ang mag-iingat. May mga pagka-kataon na ang mga tao ay nasa panganib. Maraming tao ang may mga pangamba at agam-agam. Naririyan ang takot. Naririyan ang panlulupaypay. Paniwalaan natin na mayroon tayong Diyos na nag-iingat sa atin. Sa Awit 91:11 ito ang ating mababasa: "Susuguin niya ang maraming anghel, sila ang susubaybay, kahit saang dako ikaw maparoon, tiyak iingatan."
---
4. Ang Diyos ang magpapala. Walang ibang magpapala sa tao kungdi ang Diyos na lumikha ng lahat. Ang pagpapala ay hindi lamang sa ating mga nakikita at nahahawakan. May mga pagpapala na nadarama at nararanasan — sa buhay, sa ating lupang katawan, at sa ating mga mahal sa buhay. Ang pagpapala ay naghihintay sa mga taong may pananampalataya sa Diyos, sa mga taong nananalangin, sa mga taong lumalapit sa Kanya na may pananalig. Ang mga pagpapala ay bunga ng pagibig at kagandahang loob ng Diyos na ating sinasampalata-yanan. Ang sabi ng Salmista sa Awit 103:2-4,
Pangwakas---"Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papurihan,
At huwag mong lilimutin yaong kanyang kabutihan.
Ang lahat kong kasalana’y siya ang nagpapatawad,
At ano mang aking sakit, ginagamot niyang lahat.
Sa bingit ng kamatayan ako ay iniligtas,
at pinagpala ako sa pag-ibig niya’t habag."---
---
Kaya naman, ang buong paniwala ng Salmista na dapat ingatan din ng bawat isang nananampalataya ay nasa Awit 115, talatang 18 -- "Tayo ngayong nabubuhay ang dapat magpasalamat, Siya’y dapat na purihin, mula ngayon hanggang wakas." Ito sana ang buod ng ating pagdiriwang sa Diyos, sa ating anibersaryo, sa ating pagpapasalamat sa Kanya. Purihin ang Diyos.
---
---
---
---
(6) Ang Pagsunod Kay Cristo
..... Marcos 8:27-38
---
---
Panimula
---
Tatalakayin natin ang Marcos 8:27-38, at ito’y pinamagatan kong "Ang Pagsunod Kay Cristo."
---
Marcos 8:27-38
---
Ang bahaging ito ng ebanghelio ng ating Panginoon ayon kay Marcos ay ang unang pagpapahayag ni Jesus tungkol sa kanyang kamatayan at pagkabuhay na mag-uli. Si Jesus mismo ang nagsabi sa kanyang mga alagad . . .
---"na ang Anak ng Tao’y dapat magbata ng maraming hirap. Siya’y itatakwil ng matatanda ng bayan, ng mga punong saserdote at ng mga eskriba at ipapapatay. Ngunit sa ikatlong araw, muli siyang mabubuhay" (Marcos 8:31).---
Tatlong bagay ang sinasabi ni Jesus: siya’y magbabata ng hirap; siya’y itatakwil ng mga matatanda ng bayan at mga pinuno sa Templo; at siya’y ipapapatay. Ngunit hindi siya huminto sa mga sinabi niyang ito. Idinagdag niya na muli siyang mabubuhay sa ikatlong araw.
---
Ito ba ang Cristong susundin ng mga tao? Ito ba ang magliligtas sa kanila? Kaya naman, si Pedro ay nagsalita kay Jesus. Niyaya niya sa Jesus sa isang tabi at pinagsabihan niya ang Panginoon. Ngunit ang sagot ni Jesus sa kanya ay maliwanag ngunit matindi: "Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo’y hindi sa Diyos kundi sa tao" (Marcos 8:33b). Ayon sa Panginoon hindi sa Diyos ang iniisip ni Pedro. Ang kanyang reaksiyon ay pantao. Akala niya ay maililigtas niya si Jesus sa tiyak na kamatayan. Hindi pa niya maintindihan ang mga sinasabi o mga salita ni Jesus. Hindi niya binigyan ng pansin ang sinabi ni Jesus na siya’y mabubuhay muli. Ang nakita niya ay ang kamatayan ni Jesus, hindi ang kanyang pagkabuhay na maguli. Hindi ba ganyan ang ordinaryong reaksiyon ng mga tao? Pansariling kaligtasan. Ang kay Cristo naman ay ang kaligtasan ng buong sanlibutan.
---
Ang Pagsunod kay Cristo
---
Kaya nga, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad at sa mga tao na naroroon na nakiking sa kanyang mga aral:
---"Kung ibig ninuman ang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin. Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Mabuting Balita ay siyang magkakamit niyon" (Marcos 8:34-35).---
Pansinin natin sa mga talatang ito ang tatlong bagay na sinabi ni Jesus kung ibig ninuman ang sumunod sa kanya: (1) limutin ang sarili; (2) pasanin ang krus; at (3) sumunod sa akin. Pag-ukulan po natin ng kaunting sandali ang mga ito.
---
1. Limutin ang sarili. Limutin ang sarili? Papaano mangyayari ito? Papaano ang paggawa nito? Maliban na ang isang tao ay makita niya ang mga masasamang bagay na nasa kanya, hindi niya maiintindihan ito. Ngunit kapag dumating ang panahon na makita ng tao ang kanyang kalabisan sa buhay, ang mga hinahangad na hindi mabuti at hindi katanggap-tanggap sa paningin ng Diyos, dapat niyang limutin ito at talikdan niya ang mga bagay na dati niyang ginagawa. Ang paglimot sa sa
---
---
---
---
(7) Si Jesus Ang Pundasyun
..... 1 Corinto 3:9b-15; Mateo 7:24-27
---
---
Panimula
---
Sa diwa ng pagpapasalamat tayo’y naririto ngayon upang italaga ang mga gusaling ito sa ating Panginoon. Buong puso tayong nagpapasalamat sa mga taong nagkaloob at tumulong sa atin, ngunit higit sa lahat sa biyaya ng ating Panginoong Diyos.
---
Ituon natin ang ating pansin sa espirituwal na pundasyon sa gawaing ito, at ito ay base sa 1 Corinto 3:9b-15 at Mateo 7:24-27.
---
1 Corinto 3:9b-15
---
Hango ito sa sulat ni apostol Pablo sa mga taga-Corinto. Ang sabi ni Pablo, "Kayo rin ang gusali ng Diyos" (v.9b). Isa ito sa mga tatlong binanggit ni Pablo tungkol sa mga lingkod ng Diyos: una, kayo ang "bukirin" ng Diyos (v.9a); pangalawa, kayo ang "gusali ng Diyos" (v.9b); at pangatlo, kayo ang "templo" ng Diyos (v.16). Ang pangalawa ang ating pagtutuunan ng pansin sa araw na ito: "Kayo ang gusali ng Diyos."
---
Gusali ng Diyos
---
Ito ay isang paglalarawan sa mga mananam-palataya o mga taong sumusunod sa Panginoon. Sa pagtatayo ng isang gusali binigyan ni Pablo ng halaga ang dapat na gawin. Ang sabi niya, "Ngunit maging maingat ang bawat nagtatayo, sapagkat wala nang ibang pundasyon na maaaring ilagay, liban sa nailagay na, si Jesu-Cristo" (3:10c-11).
---
Maliwanag sa mga talatang ito na iisa lamang ang dapat na pundasyon — si Jesu-Cristo. At sa paglalagay ng pundasyon na ito, ang bawat isa ay dapat maging maingat, pag-iingat na karapatdapat sa Panginoon. Anong klaseng pag-iingat ang sinasabi ni Pablo? Hindi kaya ito ang sinasabi ni Jesus sa Mateo 7:24-25 nang sabihin niya,
---"Kaya’t ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay matutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay sa ibabaw ng bato. Umulan ng malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo sa ibabaw ng bato."---
Ang batong iyon ay ang ating Panginoon. Iyon ang pundasyon ng isang matibay na gusali. Siya ang pundasyon ng isang matibay na pananampalataya. Siya lamang ang dapat na maging pundasyon ng bawat nilalang at wala ng iba.
---
Ano naman ang ginagamit ng iba? Ayon kay apostol Pablo, may gumagamit ng "ginto", may gumagamit ng "pilak", may gumagamit ng "kahoy", may gumagamit ng "dayami" o "pinaggapasan." Maraming kahulugan ang mga bagay na ito. Ang lahat ng ito ay nahuhubog sa ano mang ating naisin. Ang lahat ng ito ay naitatago o naaalis. Ang lahat ng ito ay naipagbibili o naipagpapalit ng kahit anong bagay. Hindi ganito ang katangian ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Ang ating Panginoon ay hindi natitinag; hindi ito puwedeng hubugin sa gusto nating anyo o pigura; hindi ito dapat ipagpalit kahit anuman o kahit kaninuman. Ginto ba o pilak ang higit na mahalaga sa pagtatayo ng isang gusali? Kahoy ba o dayami ang dapat na gamitin? Ang lahat ng ito ay naipagbibili, nawawala, nananakaw o anupaman, ngunit ang Panginoon ay kailan man hindi matitinag.
---
Kaya nga, kagaya ng sinabi ni apostol Pablo, "Dapat maging maingat ang bawat nagtatayo." Kung ito’y ginawa sa ngalan ng pananampalataya o sa diwa ng pagsunod kay Cristo, wala tayong dapat ipangamba. Hindi ito matitinag . . . hindi ito masisira . . . hindi ito magwawakas. Iyan ang gusaling naitayo sa Panginoon. May gantimpalang naghihintay sa magtatayo sa pundasyon ng pananampalataya, ang pagliligtas Panginoong Jesu-Cristo.
---
Ang palatandaan na ang pundasyon na ginamit ay si Jesu-Cristo ay ito: Ang mga taong nakikinig at nagsasagawa, at sumusunod sa mga salita ng Diyos. At mga ito ay nasa loob ng iglesiya.
---
Pangwakas
---
Sa ating gagawin ngayon, sa pagtatalaga sa mga gusaling ito, ilagak natin sa Panginoon ang ating tiwala at pananampalataya. Ialay natin sa Diyos ang mga gusaling ito, na bagama’t mga pisikal na gusali ay naglalarawan naman ng kalagayan ng bawat nilalang. Sana maging maingat tayong lahat, kagaya ng sinabi ng apostol Pablo, sa ating pagtatayo ng pisikal at espirituwal na gusali. Amen.
---
---
---
---
(8) Ang Dapat Maging Buhay
..... ng Mananampatalatay
..... 2 Corinto 13:1-13
---
---
Panimula
---
Isang ordinaryong tanong ang sumasagi sa isipan ng mga mananampalataya. Ano ba ang dapat maging buhay ng mga mananampalataya? Ito ang ating tatala-kayin ngayon.
---
Pansinin po natin ang mga sumusunod:
---
1. Mamuhay sa kapangyarihan ng Diyos.
2. Mamuhay sa pananampalataya.
3. Maging ganap sa Diyos. (Magkaisa din sa Kanya.)
2. Mamuhay sa pananampalataya.
3. Maging ganap sa Diyos. (Magkaisa din sa Kanya.)
---
[Ipaliwanag ang mga ito.]
---
Pangwakas
---
Gawin po natin ang mga bagay na ito at italaga natin ang ating buhay at gawain sa ating Panginoong Diyos.
---
---
---
---
---
(9) Ang Pagiging Alagad ng Diyos
..... 2 Corinto 13:1-13
---
---
Panimula
---
Ang tatalakayin natin ngayon ay "Ang Pagiging Alagad Ng Diyos" batay sa pangalawang sulat ni apostol Pablo sa mga taga-Corinto, 2 Corinto 13:1-13.
---
2 Corinto 13:1-13
---
Ito ang huling kabanata ng pangalawang sulat ni apostol Pablo sa mga taga-Corinto. Mayroong labing-tatlong talata. Ang kabanata ay isang pangwakas na babala at mga pagbati. Sa kabanatang ito, kung suriin nating mabuti ang mga sinasabi ni Pablo, mayroon po tayong makikitang mga bagay na nauukol sa pagiging alagad ng Diyos. At ang mga aral na ito ang aking tatalakayin ngayon.
---
Anu-ano ang mga aral ng pagiging alagad na ating makikita sa mga talata ng huling kabanata? Apat na bagay ang aking natuklasan, at lahat ng ito’y naguumpisa sa letrang "M". Ang apat na aking natuklasan ay ang mga sumusunod: (1) mabuhay sa kapangyarihan ng Diyos (v.4b); (2) mamuhay sa pananampalataya (v.5); (3) mamuhay na maging ganap (v.11b); at (4) mamuhay ng payapa (v.11c).
---
(1) Mabuhay sa kapangyarihan ng Diyos (v.4b). Ang sabi ni Pablo,
---"Bagamat siya’y mahina nang ipako sa krus, [ang ibig sabihin si Jesu-Cristo], nabubuhay siya ngayon sa kapangyarihan ng Diyos. Dahil sa pakikipag-isa sa kanya, ako’y mahina rin ngunit nabubuhay ako ngayon sa kapangyarihan ng Diyos upang mangaral sa inyo" (v.4).---
Ito ang pinakamahalaga na dapat makita ng tao --- ang kapangyarihan ng Diyos. Ito rin ang dapat na maranasan at madama ng bawat taong nagsasabing mayroon silang pananalig sa Diyos. Ito ang unang dapat na isapuso upang dumaloy ang kapangyarihan ng Diyos sa ating buhay, pag-iisip, at mga gawa. Ang bawat alagad o mananampalataya ay dapat mabuhay sa kapangyarihan ng Diyos; at ito’y makakamtan natin sa pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
---
(2) Mamuhay sa pananampalataya (v.5). Muli, ang sabi ni apostol Pablo sa talatang ikalima,
"Tiyakin ninyong mabuti kung kayo’y namumuhay ayon sa pananampalataya; subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi ba ninyo nadaramang sumasainyo si Cristo Jesus? Maliban na lang kung kayo’y itinakwil."
"Tiyakin ninyong mabuti kung kayo’y namumuhay ayon sa pananampalataya; subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi ba ninyo nadaramang sumasainyo si Cristo Jesus? Maliban na lang kung kayo’y itinakwil."
---
Pagtitiyak sa sarili ang sinasabi dito. Tiyakin ng bawat isa na siya’y namumuhay ayon sa pananampalataya, at kung kailangang subukin ang sarili upang makatiyak, gawin ito ng maluwalhati. Dapat ding matiyak natin na tayo nga’y nasa pananampalataya at namumuhay tayo ayon sa pananampalataya sa Diyos na makapangyarihan sa lahat. Siya lamang ang dapat nating paniwalaan sa lahat ng bagay.
---
(3) Mamuhay na maging ganap (v.11b). Ang payo ni apostol Pablo ay ito: "Sikapin ninyong maging ganap." Paano bang maging ganap? Ito ay makakamtan natin sa pamamagitan ng ating pagsunod sa mga itinatagubilin ng Diyos, at pagsunod sa kalooban ng ating Panginoon. Sa Hebreo 10:35, ito ang ating mababasa: "Kaya’t huwag kayong mawawalan ng pananalig sa Diyos, sapagkat taglay nito ang dakilang gantimpala." At ito pa ang ating mababasa sa Hebreo 3:7 na sinabi ng Diyos, "Kapag narinig ninyo ngayon ang tinig ng Diyos, huwag maging matigas ang inyong ulo, tulad noong maghimagsik kayo at subukin siya sa ilang."
---
(4) Mamuhay ng payapa (v.11c). Ang sabi ng apostol Pablo, "Magkaisa kayo, at mamuhay ng payapa. Sa gayon, sasainyo ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan." Maliwanag ang pakiusap ni Pablo: magkaisa at mamuhay ng payapa. Kung ito ang ating gagawin, sasaatin ang pag-ibig ng Diyos at ang walang kapantay na kapayapaan.
---
Pangwakas
---
Uulitin ko ang aking natuklasan sa huling kabanata ng 2 Corinto --- ang apat na "M" ng pagiging alagad ni Cristo: (1) mabuhay sa kapangyarihan ng Diyos (v.4b); (2) mamuhay sa pananampalataya (v.5); (3) mamuhay na maging ganap (v.11b); at (4) mamuhay ng payapa (v.11c). Naririto ang kasagutan sa ating mga ginagawa sa loob ng iglesiya at ang ating pagsunod kay Cristo. Kung ang mga ito’y magagawa, tayo ang pagkakalooban ng kapatawaran at kaligtasan dito sa makasalanang mundo. Pagpalain nawa tayo ng Diyos.
---
---
---
---
(10) Mga Tagubilin Sa
..... Mga Tagasunod ng Diyos
..... Santiago 1:19-25
---
---
Panimula
---
Sa panahong ito tatalakayin natin ang isang bahagi ng sulat ni Santiago, Santiago 1:19-25. Gusto kong pag-usapan natin ang paksang, "Pagsunod sa mga Salita ng Diyos" base sa ating binasang mga talata.
---
Santiago 1:19-25
---
Ang sulat ni Santiago ay kalipunan ng mga tagubilin sa lahat na hinirang ng Diyos sa iba’t ibang bansa. Ang mga tagubilin ay tungkol sa karunungan, gabay sa paguugali, pagkilos ng isang Cristiano (cf. Panimula, Santiago, MBB). May mga ilang tagubilin o mga bagay ang binabanggit ni Santiago sa kanyang sulat para sa mga mananampalataya. Pansinin natin ang mga sumusunod na tagubilin o aral sa kanyang sulat: (1) matuto kayong makinig, dahandahan sa pagsasalita, at huwag agad magagalit (v.19); (2) talikdan ninyo ang inyong maruruming gawa at alisin ang masasamang asal (v.21a); (3) buong pagpapakumbabang tanggapin ang salita ng Diyos na natanim sa inyong puso (v.21b); at (4) mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos (v.22).
---
(1) Matuto kayong makinig, dahandahan sa pagsasalita, at huwag agad magagalit (v.19). Sa unang tagubilin, sabi ni Santiago, "Tandaan ninyo ito, mga kapatid kong minamahal. . . ." (V.19). Ito ay ang kahalagahan ng kanyang mga tagubilin. Tatlo agad ang kanyang iginiit — pakikinig, pagsasalita, at galit. Ano ang dapat nating matutuhan sa pakikinig? Unawain at intindihin natin ang ating napapakinggan. Ito ba’y nakakabuti sa iba, o ito’y nakakasira sa ating kapwa. Sa pakikinig, sinuhin natin ang katotohanan o ang kasinungalingan. Bigyan natin ng pansin ang naririnig natin tungkol sa ating Panginoong Diyos. At kung ano man ang ating narinig, lumalabas ito sa ating mga pananalita. Kung minsan, galit ang lumalabas sa ating mga bibig dahil sa ating mga narinig. Kaya ang tagubilin: "Matuto tayong makinig, dahandahan sa pagsasalita, at huwag agad magagalit." At idinagdag pa ni Santiago ang ganito tungkol sa galit: "Sapagkat ang galit ay di nakatutulong sa tao upang maging matuwid sa paningin ng Diyos" (v.20).
---
(2) Talikdan ninyo ang inyong maruruming gawa at alisin ang masasamang asal (v.21a). Ang pangalawang tagubilin ay maliwanag din — tungkol sa gawa at asal. Ang mga maruruming gawa ay dapat talikdan; at ang masasamang asal ay dapat alisin. Anu-ano ang mga maruruming gawa? Ito ay ang mga gawa ng laman. Mula sa sulat ni apostol Pablo sa mga taga-Galacia ganito ang ating mababasa:
---
ay aani ng kamatayan" (Galacia 5:19-21; 6:8).
---"Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman: panga-ngalunya, karimarimarim na pamumuhay, kahalayan, pagsamba sa diyus-diyusan, pangkukulam, pagkapoot, pagkagalit, paninibugho, kasakiman, pagkakabaha-bahagi, pagkakampikampi, pagkainggit, paglalasing, walang taros na pagsasaya, at iba pang tulad nito. Binabalaan ko kayo tulad noong una: hindi tatanggapin sa kaharian ng Diyos ang gumagawa ng gayong mga bagay. . . . Ang nagsisikap sa mga bagay ukol sa laman ...---
Kung tingnan natin ang mga Sampung Utos ng Diyos, naririyan ang mga gawa ng tao na hindi tatanggapin ng Diyos. Hindi mahirag intindihin ang mga sinasabi sa Banal na Kasulatan tungkol sa mga maruru-ming gawa at masasamang asal. Napapaloob diyan ang pangalawang tagubilin.
---
(3) Buong pagpapakumbabang tanggapin ang salita ng Diyos na natanim sa inyong puso (v.21b). Ang pangatlong tagubilin ay ang pagtanggap sa mga Salita ng Diyos. Ang damdamin ng tao ay dapat mapagpakumbaba kung ito’y nauukol sa mga salita ng Diyos at ang kaligtasan. Ang sabi ni Santiago, "Buong pagpapakum-babang tanggapin ang salita ng Diyos na natanim sa inyong puso. Ito ang makapagliligtas sa inyo" (v.21). Ang salita ng Diyos ay natatanim sa puso ng mga nananampalataya at sumusunod sa Diyos, at naririto ang kanilang kaligtasan.
---
(4) Mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos (v.22). Ang pang-apat na tagubilin sa mga tagasunod ng Diyos ay ang pamumuhay ayon sa salita ng Diyos. Ganito ang kabuuan ng tagubilin ayon kay Santiago, sa Santiago 1:22-25:
---"Mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos. Kung ito’y pinakikinggan lamang ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong sarili. Sapagkat ang nakikinig lamang ng salita at hindi nagsasagawa nito ay katulad ng isang taong humarap sa salamin at umalis matapos makita ang sarili. Agad nalilimutan ang kanyang ayos. Ngunit ang nagsasaliksik at patuloy na nagsasagawa ng kautusang sakdal at nagpapalaya sa tao — at hindi isang tagapakinig lamang na pagkatapos ay nakalimot — ang taong iyan ang pagpapalain ng Diyos sa lahat niyang gawain."---
Dito makikita ang dalawang bagay na dapat nating gawin: pagsasaliksik at paggawa sa mga salita ng Diyos. Ito ang tagubilin na may pagpapala. Tagubilin na ang ibu-bunga ay ang biyaya at pagpapala ng Diyos na makapang-yarihan sa lahat.
---
Pangwakas
---
Sa ating pagsunod sa Diyos at sa ating pana-nampalataya, tandaan po natin ang mga sumusunod na tagubilin: (1) matuto kayong makinig, dahan-dahan sa pagsasalita, at huwag agad magagalit (v.19); (2) talikdan ninyo ang inyong maruruming gawa at alisin ang masasamang asal (v.21a); (3) buong pagpapakumbabang tanggapin ang salita ng Diyos na natanim sa inyong puso (v.21b); at (4) mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos (v.22). Ito ang mga tagubilin sa mga mananampalataya at mga ito’y may taglay na pagpapala at kaligtasan.
---
---
---
---
(11) Pamumuhay na Ayon sa Diyos
..... Santiago 4:1-10
---
---
Panimula
---
Bigyan natin ng pansin ang isang bahagi ng sulat ni Santiago sa kabanatang 4, mga talatang 1-10. Ang atin paksa ay "Pamumuhay na Ayon sa Diyos" base sa mga talatang ito.
---
Santiago 4:1-10
---
Sa mga nabanggit na talata, pansinin po natin ang mga ilang bagay sa ating pagbubulaybulay. Sa simula ng kabanatang ika-apat, binabanggit ni Santiago ang mga ilang bagay na nakita niya sa mga tao: una, may masasamang nasang namumugad sa kalooban ng bawat isa [v.1b]; at pangalawa, may masasamang layunin ang mga tao [v.3]. Kaya naman ang babala ni Santiago ay ganito: Ayaw ng Diyos na may kaagaw siya sa ating pag-ibig [v.5]. At idinagdag pa niya na "Ang Diyos ay laban sa mga palalo, ngunit tumutulong sa mga mapagpakumbaba" [v.6b].
---
Sa kabila ng lahat ng ito, ibinigay pa rin ni Santiago ang mga bagaybagay na dapat gawin ng mga tao, mga uri ng pamumuhay na ayon sa Diyos. Limang uri ang aking nakita at natuklasan sa mga talatang ito: (1) pasakop sa Diyos [v.7a]; (2) labanan ang diyablo [v.7b]; (3) lumapit sa Diyos [v.8a]; (4) linisin ang mga kamay at puso [v.8b-c]; at (5) magpakababa sa harapan ni Diyos [v.10]. Pag-ukulan po natin ng kaunting sandali ang mga ito.
---
1. Pasakop sa Diyos [v.7a]. Ang unang uri ng pamumuhay na ayon sa Diyos ay ang pagpapasakop sa Kanya. Ano ba ang ibig sabihin ng pagpapasakop sa Diyos? Ang isang taong napasasakop sa Diyos ay nagiging masunurin. Ang kanyang pinagkakaabalahan ay ang kagustuhan ng kanyang Panginoon, hindi yaong kanyang gustong gawin bilang tao. Sinusunod niya ng taimtim ang mga itinatagubilin ng kanyang Diyos. Hindi ang kanyang kalooban ang dapat niyang sundin kundi ang kalooban ng kanyang Panginoon. Kung ikaw ay napasasakop na sa Diyos, ikaw na ang kanyang lingkod at siya lamang ang iyong paglilingkuran, wala nang iba.
---
2. Labanan ang diyablo [v.7b]. Simple lang ang ibig ipahiwatig nito. Kung ang diyablo ay kalaban ng Diyos, at ito nga ang nangyayari, kalaban mo rin ang diyablo. Ano mang bagay na "identified" sa diyablo ay kalaban mo. Kapag nilabanan mo siya sa ngalan ng Diyos, ayon kay Santiago, lalayuan ka niya. Anu-ano ang mga bagay na nasa diyablo? Mula sa unang bahagi ng ika-apat na kabanata, makikita ang mga ito: alitan, paglalaban-laban, masasamang nasa, pagpatay, pag-iimbot, pagkaka-galit, masasamang layunin, kalayawan, kataksilan, at iba pa. Ano mang uri ng pamumuhay na nakakabit dito ay maka-diyablo. Labanan po natin ang mga ito.
---
3. Lumapit sa Diyos [v.8a]. Ang sabi ni Santiago, "Lumapit kayo sa Diyos at lalapit siya sa inyo" (v.8). Paano ba ang paglapit sa Diyos? Mula sa sulat sa mga Hebreo, Hebreo 10:22 ito ang ating mababasa:
---"Kaya’t lumapit tayo sa Diyos nang may tapat na kalooban at matibay na pananalig sa kanya. Lumapit tayong may malinis na budhi sapagkat nalinis na ang ating puso at nahugasan na ng dalisay na tubig ang ating mga katawan."---
Pansinin po natin ang paglapit sa Diyos mula sa talatang ito. Tatlong bagay ang nababanggit dito: may matapat na kalooban; may matibay na pananalig sa kanya; at may malinis na budhi. Dalisay na tubig ang naghugas sa atin, at ito ay ang banal na dugo ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
---
4. Linisin ang mga kamay at puso [v.8b-c]. Muli, sinabi ni Santiago sa kanyang sulat: "Linisin ninyo ang inyong mga kamay, kayong mga makasalanan. Linisin ninyo ang inyong puso, kayong pabagu-bago ang isip" (v.8b-c). Kamay at puso ang sinasabi dito. Ang kamay ay simbolo ng paggawa. Ang kamay na gumagawa ng kasalanan ay dapat maging malinis. Magiging malinis lamang ang ating mga kamay kung ang mga ito’y naihandog na sa Diyos. At ang puso? Ang paglilinis ng puso ay ang pagiging tapat sa pag-ibig sa Panginoon, pagiging tapat sa pananampalataya, at pagiging tapat sa ating mga salita at gawa.
---
5. Magpakababa sa harapan ni Diyos [v.10]. Wika ni Santiago, "Magpakababa kayo sa harapan ng Panginoon at itataas niya kayo" (v.10). Pagpapakababa sa Panginoon ay simbolo ng pagsuko sa kanyang kalooban at katuwiran. Ang pagpapakababa sa harapan ng Panginoon ay isang uri ng pagpapakumbabang may kaakibat ng taus-pusong pagsunod sa kalooban ng Diyos, taus-pusong pagsuko sa kanya, at taus-pusong pagiging alipin ng Maykapal.
---
Pangwakas
---
Sa ating pagwawakas, binigyang diin ni Santiago ang pamumuhay na naayon sa Diyos: (1) pasakop sa Diyos [v.7a]; (2) labanan ang diyablo [v.7b]; (3) lumapit sa Diyos [v.8a]; (4) linisin ang mga kamay at puso [v.8b-c]; at (5) magpakababa sa harapan ni Diyos [v.10]. Ipanalangin natin sa Kanya na tayo’y kanyang gabayan upang masunod at magampanan natin ang mga ito. Naaayon ba sa mga ito ang ating buhay bilang mana-nampalataya? Tingnan po natin ang ating buhay at ang ating mga ginagawa araw-araw.
---
---
---
---
(12) Isang Huwarang Babae
Kawikaan 31:10-31; Filipos 4:13
Kawikaan 31:10-31; Filipos 4:13
(Sermon ni Mrs. Clarita D. Guerrero)
(Tarlac South District, WMPAC)
---
---
Panimula
---
Sa Banal na Kasulatan, marami tayong mababasa na mga huwarang babae na may kanya-kanyang katangian na magandang tula-ran natin, sapagkat sila ay may katangiang tulad ng nabasa natin sa Kawikaan 31:10-31.
---
Sa karamihan ng babaeng nabanggit sa Biblia ay pumili ako ng babaeng pag-uukulan natin ng pansin para magamit nating inspirasyon sa ating pamumuhay Cristiano. Sila ang mag-inang Jocabed at Miriam. Sino sila? Si Jocabed ay ina ni Moises, at si Miriam naman ay kapatid ni Moises. Sila ang nagpala at nag-alaga upang mabuhay si Moises na maging magiting na lider ng mga Israelita.
---
Jocabed at Miriam
---
Balikan natin ang mag-inang Jocabed at Miriam. Noong kagampan ni Jocabed, ipinag-utos ng Faraon sa mga hilot na Hebreo na itapon sa Ilog Nilo ang lahat ng mga lalaking sanggol, o dili kaya patayin nila ang mga ito. Ang mga babae lamang ang kailangang mabuhay. Ginawa ng Faraon ito sapagkat nangangamba siyang dumami ng dumami ang mga Hebreo at baka dumating ang araw na sila ang sasakop sa kanila. O dili kaya, kapag sumalakay ang kanilang mga kaaway ay kumampi sila sa mga ito.
---
Tatlong buwang itinago ni Jocabed ang anak niyang si Moises. Ngunit nang hindi na niya maitago ito ay gumawa siya ng paraan upang mailigtas lamang ang kaniyang minamahal na anak, kaya ginawa niya ang mga sumusunod:
---
1. Kumuha siya ng basket na yari ng tambo at pinahiran ng alkitran.
2. Pagkatapos isinilid niya dito ang batang si Moises.
3. Inilagay sa talahiban sa gilid ng ilog.
2. Pagkatapos isinilid niya dito ang batang si Moises.
3. Inilagay sa talahiban sa gilid ng ilog.
---
Ang ate naman niyang si Miriam ay lumagay sa di kalayuan upang tingnan kung ano ang mangyayari. Alam na natin kung ano ang sumunod na pangyayari. Gusto ko pong bigyan ng pansin ang ginawa ng ina at kapatid ni Moises.
---
Una, ang basket. Ano ba ang pakahulugan nito sa mga kababaihan, laluna sa mga inang katulad ko? Ano ba ang basket na kukunin natin upang mailigtas ang ating mga anak sa kapahamakan? Sa ating kapaligiran napa-karaming mga bagay ang nagbabanta sa kaligtasan sa ating mga anak tulad sa pagkagumon sa drugs o ipinagbabawal na gamot, alak, sugal, paghahanap ng ikabubuhay sa maling paraan tulad ng pagbibili ng panandaliang aliw, pagnanakaw, pagkidnap, panggagahasa, atbp.
---
Talagang napakaraming tukso ang nakapaligid sa kanila upang sila ay mailayo sa kabutihan. Napakaraming bagay ang nag-uudyok sa kanila upang malayo sa Panginoong Diyos. Anu-anong mga paraan ang ating gagamitin upang parang isang basket ay ilagay natin sa mga ito ang ating mga mahal na anak? May basket bang paglalagyan sa ating mga kabataan? May basket bang gagamitin ang mga ina upang iligtas ang kanilang mga anak sa tiyak na kapahamakan?
---
Ipahintulot ninyong ako’y bumanggit ng ilang bagay na magagamit nating parang basket sa kaligtasan o malayo sa kasalanan ang ating mga anak:
---
1. Pagbabasa ng Banal na Kasulatan.
2. Pagkakaroon ng family devotion.
3. Pagdadala sa kanila sa Sunday School at pagsamba kung Linggo.
4. Panalangin at paghingi ng tulong sa Diyos.
5. Pagmumulat sa kanila ng kahulugan ng pananam-palataya.
6. Takot sa Panginoong Diyos sa lahat ng sandali.
2. Pagkakaroon ng family devotion.
3. Pagdadala sa kanila sa Sunday School at pagsamba kung Linggo.
4. Panalangin at paghingi ng tulong sa Diyos.
5. Pagmumulat sa kanila ng kahulugan ng pananam-palataya.
6. Takot sa Panginoong Diyos sa lahat ng sandali.
---
Pangalawa, ang paglalagay ng alkitran. Ang alkitran ay ginamit ni Jocabed upang hindi pasukin ng tubig ang basket na pinaglalagyan niya ng kanyang anak. Ang alkitran ay ginamit ni Jocabed upang hindi lumubog ang basket. Ano ang pakahulugan natin ngayon sa alkitrang yaon? Ano ang ating ginagawa upang ang buhay ng ating mga anak ay hindi pasukin ng kasamaan? Ano ang gina-gamit nating pananggalang upang ang ating mga mahal sa buhay ay hindi malubog sa kasalanan? Anu-ano ang ating ipinapahid sa buhay ng ating mga anak? Babanggit po ako ang mga ilan, at marahil higit pa rito ang iyong maidaragdag:
---
1. Pagmamahal at pang-unawa sa kanilang pagkukulang.
2. Pagbibigay ng magagandang halimbawa at maka-Diyos na adhikain.
3. Pagtuturo sa kanila ng mabuting asal.
4. Pamumuhay na halimbawa sa pananampalataya.
5. Pagsunod sa maka-Diyos at maayos na pamumuhay.
2. Pagbibigay ng magagandang halimbawa at maka-Diyos na adhikain.
3. Pagtuturo sa kanila ng mabuting asal.
4. Pamumuhay na halimbawa sa pananampalataya.
5. Pagsunod sa maka-Diyos at maayos na pamumuhay.
---
Pangatlo, ang paglalagay sa ilog. Ano naman ang pakahulugan natin sa ilog na pinagdalhan ni Jocabed kay Moises. Saan natin ilalagak ang ating mga anak? May-roon bang ilog sa ating buhay sa pananampalataya? Mga kapatid, iminumungkahi ko na ilagak natin ang ating mga anak sa tubig na buhay. Kay Jesu-Cristo na siyang tubig na buhay nating ilagak ang ating mga anak. Nasa kanya lamang ang kaligtasan ng ating mga mahal sa buhay. He is the strength and hope of the family. Siya lamang ang nagbibigay kalakasan sa mga sumasampalataya sa kanya. Oo, si Jesus lamang ang kalakasan ng bawat isang nagtitiwala sa kanya. Mayroon pa bang ibang lugar na pagdadalhan sa ating mga anak maliban sa Panginoon, ang ibang lugar ay kapahamakan na.
Pang-apat, ang ginawa ni Miriam na kapatid ni Moises. Sinubaybayan at tinatanaw ni Miriam ang kanyang kapatid sa di kalayuan. Tinitingnan niya kung ano ang mangyayari sa kanyang kapatid. Nakahanda siyang tumulong kung ano ang hinihingi ng pagkakataon. Ano naman po ang pakahulugan nito sa atin ngayon? May ginagawa ka bang kabutihan sa ngayon sa iyong mga kapatid, sa dugo’t laman, gayon din sa mga kapatid mo sa pananampalataya? Anong uri ng pagsubaybay at pagtanaw ang inyong ginagawa? Nakahanda ba tayong tumulong kung sakali? Ang pagsubaybay ba natin ay bunga ng ating pagmamahal o may halong pag-iimbot? Anong uri ka bang kapatid? Mayroon ka bang malasakit sa kanyang kaligtasan? Tinitingnan mo ba kung ano ang mangyayari sa kanila? Naibahagi mo na ba ang iyong pananampalataya o pananalig sa Diyos?
Pang-apat, ang ginawa ni Miriam na kapatid ni Moises. Sinubaybayan at tinatanaw ni Miriam ang kanyang kapatid sa di kalayuan. Tinitingnan niya kung ano ang mangyayari sa kanyang kapatid. Nakahanda siyang tumulong kung ano ang hinihingi ng pagkakataon. Ano naman po ang pakahulugan nito sa atin ngayon? May ginagawa ka bang kabutihan sa ngayon sa iyong mga kapatid, sa dugo’t laman, gayon din sa mga kapatid mo sa pananampalataya? Anong uri ng pagsubaybay at pagtanaw ang inyong ginagawa? Nakahanda ba tayong tumulong kung sakali? Ang pagsubaybay ba natin ay bunga ng ating pagmamahal o may halong pag-iimbot? Anong uri ka bang kapatid? Mayroon ka bang malasakit sa kanyang kaligtasan? Tinitingnan mo ba kung ano ang mangyayari sa kanila? Naibahagi mo na ba ang iyong pananampalataya o pananalig sa Diyos?
---
Pangwakas
---
Mga kapatid sa Panginoon, pagkatapos nating pagbulaybulayan ang buhay at ginawa ng mag-inang Jocabed at Miriam. Ano naman po ang ating magagawa? Marami tayong magagawa para sa Panginoon kung tayo ay may pananalig at pananampalataya sa Diyos. Ito po ang sinabi ni Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Filipos, Filipos 4:13, "I can do all things through Christ who strengtheneth me." Sa Tagalog, "Ang lahat ng ito ay magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo." Pagpalain nawa tayo ng ating Panginoong Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Amen.
---
---
---
---
(13) Pamumuhay ng mga Mananampalataya
..... 1 Pedro 2:11-17
---
---
Panimula
---
Mula sa unang sulat ni apostol Pedro, sa 1 Pedro 2:11-17, gusto kong talakayin ang "Pamumuhay ng mga Mananampalataya." Sa mga talatang nabasa mayroon po akong natagpuan na tatlong uri ng pamumuhay ng mga mananampalataya sa Diyos.
---
1 Pedro 2:11-17
---
Ang unang sulat ni apostol Pedro ay para sa mga mananampalataya na tinawag niyang "mga hinirang ng Diyos." Pangunahing layon ng sulat ang magpalakas ng loob sa mga mananampalataya sa anumang pag-uusig at pagtitiis dahil sa kanilang pananampalataya. Na huwag silang mawalan ng pag-asa dahil may muling pagkabuhay at pagbabalik ng Panginoon. (MBB Panimula, p.323)
---
May tatlong uri ng pamumuhay ang mga nanini-wala sa Diyos: (1) mamuhay ng maayos; (2) mamuhay bilang mga alipin ng Diyos; at (3) mamuhay na may takot sa Diyos. Talakayin po nating isa-isa ang mga ito.
---
1. Mamuhay kayo ng maayos sa gitna ng mga walang pananampalataya (v.12). Ganito ang sinasabi ng buong talata: "Mamuhay kayo nang maayos sa gitna ng mga walang pananampalataya. Kahit na pinararatangan nila kayo ngayon ng masama, mag-pupuri sila sa Diyos sa Araw ng kanyang pagdating, kapag nakita nila ang inyong mabuting gawa."
Pansinin po natin ang mga salitang "maayos na pamumuhay." Hindi magulo ang ibig sabihin nito. Kung ito’y maayos, madaling maunawaan, at madaling intindihin. Kapag maayos ang pamumuhay ng isang tao, ito’y malayo sa gulo, malayo sa problema, malayo sa hindi pagkakaintindihan. Maraming mga magkakasama ang nagkakahiwahiwalay dahil walang maayos na pag-uusap. Mabuting gawa at mabuting pamumuhay ang ibubunga ng maayos na pamumuhay. Kahit na anong bagay o gawain na maayos, mabuti ang ibubunga nito. Ito sana ang ating piliin na uri ng pamumuhay.
Pansinin po natin ang mga salitang "maayos na pamumuhay." Hindi magulo ang ibig sabihin nito. Kung ito’y maayos, madaling maunawaan, at madaling intindihin. Kapag maayos ang pamumuhay ng isang tao, ito’y malayo sa gulo, malayo sa problema, malayo sa hindi pagkakaintindihan. Maraming mga magkakasama ang nagkakahiwahiwalay dahil walang maayos na pag-uusap. Mabuting gawa at mabuting pamumuhay ang ibubunga ng maayos na pamumuhay. Kahit na anong bagay o gawain na maayos, mabuti ang ibubunga nito. Ito sana ang ating piliin na uri ng pamumuhay.
---
2. Mamuhay kayo bilang mga alipin ng Diyos (v.16b). Ano ang ibig sabihin sa pagiging alipin? Ang alipin ay may panginoon na kanyang sinusunod sa lahat ng panahon. Ang alipin ay palaging tumutupad sa kagustuhan ng kanyang panginoon, walang reklamo, walang angal, walang pagtanggi sa gusto ng kanyang pinaglilingkuran. At tayo bilang mananampalataya sa Diyos, dapat tayong mamuhay bilang mga alipin ng Diyos na ating Panginoon at Tagapagligtas. Bilang mga alipin, dapat tayong sumunod sa kanyang kalooban, hindi sa ating makalamang katauhan. Mayroon tayong Diyos; mayroon tayong Panginoon; mayroon tayong dapat na sundin at paglingkuran sa lahat ng panahon ng ating buhay.
---
3. Mamuhay kayong may takot sa Diyos (v.17b). Sa Kawikaan 1:7 ito ang ating mababasa: "Ang pag-katakot kay Yahweh ay pasimula ng karunungan." Karunungan ang tatamuhin ng taong may takot sa Diyos. Kaalaman tungkol sa katotohanan at katuwiran ang mapapala ng isang taong may takot sa Diyos. Higit sa lahat, ang buhay ng taong may takot sa Diyos ay hahantong sa katiyakang siya’y may kaligtasan at magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ang takot sa Diyos ang siyang mag-uudyok sa tao upang siya’y mabuhay ng matuwid, ng maayos, ng may pag-asa, ng may katiyakan.
---
Pangwakas
---
Tinalakay natin ang mga uri ng pamumuhay ang mga naniniwala sa Diyos: (1) mamuhay ng maayos; (2) mamuhay bilang mga alipin ng Diyos; at (3) mamuhay na may takot sa Diyos. Ang mga ito ang nagsisilbing panuntunan ng lahat ng mananampalataya. Ang mga ito ang siya sanang "framework" ng buhay sa mundong ito. Ang mga ito ang dapat nating makita sa araw-araw nating pamumuhay bilang mga anak ng Diyos. Ang mga ito ang landas ng buhay na payapa at may katiyakan sa kaligtasang ibinibigay ng Diyos sa lahat ng kanyang nilalang. Nakikita ba sa buhay natin ang mga ito bilang mga mananampalataya?
---
---
---
---
(14) Mga Tagubilin sa Halalan
..... Exodo 18:17-23
---
---
Panimula
---
o Ang Halalan '95 ay humigit-kumulang 24 na oras ang layo at ang paghinto ng kampanya ay 8 oras pa lamang.
---
o 81 = orihinal na bilang ng mga kandidato para senador. Ngayon ay 31 na lamang ang natitira para sa 12 posisyon sa senado.
---
o Humigit-kumulang 60,000 ang mga kandidato para sa Kongreso, sa pagka-gobernador hanggang sa mga konsehal. Maraming uri ng tao ang naririyan: mga abogado, mga manggagamot, mga sundalo, mga guro, mga enhinyero, mga artista, mga basketbolista, mga "civic leaders" at marami pang iba.
---
o Hindi ko kailan man hinangad at hahangarin na magbigay ng mga pangalan ng mga kandidato na inyong iboboto. Naniniwala akong kayo'y mga kani-kaniyang mga pamantayan. Naniniwala rin akong kayo'y may mga kani-kaniyang napipisil at nagugustuhan. Wala po akong karapatang diktahan ang sinoman sa inyo. Ang sa akin po ay paala-ala lamang mula sa Banal na Kasulatan.
---
o Mula sa Exodo 18:17-23 (basahin ang mga talata) mayroon po tayong magagamit na pamantayan sa pagpili ng ating ihahalal. Sa Exodo 18:21, apat na bagay ang ating bibigyan ng pansin:
---a. Mga taong may kakayahan.
b. Mga taong may takot sa Diyos.
k. Mga taong mapagkakatiwalaan.
d. Mga taong hindi masusuhulan.
(Talakayin ang mga ito na may ilustrasyon)
---
Pangwakas
---
o Hinahamon ko ang kongregasyon sa mga pamantayan na ibinigay kay Moises. Dapat nating ipanalangin ang halalan.
---
---
---
---
(15) Paghahanda sa Pagdating ng Panginoon
..... 1 Tesalonica 5:1-11
[Sermon sa Kamuning First UMC
Noviembre 23,1997 8:15 a.m.
Buwan ng Pagmimisyon]
Noviembre 23,1997 8:15 a.m.
Buwan ng Pagmimisyon]
---
---
Panimula
---
Kung tayo ay may inaasahang darating sa ating bahay o opisina, o sa ating barangay o bayan, sarisaring paghahanda ang ating ginagawa. Ngunit higit sa lahat ang malinis at maayos na kapaligiran. Dagdag pa rito ang ating sarili na inihahanda upang hindi tayo mapulaan. Sa ating buhay sa pananampalataya ay higit pa rito ang kailangan. Kung naniniwala tayong babalik ang ating Panginoong Jesu-Cristo para sa atin upang kunin tayo sa kanyang sinapupunan, isang bagay ang dapat nating bigyan ng taimtim na pansin: dapat nating ihanda ang ating mga sarili sa mga sandaling iyon, na bagamat hindi natin alam kung kailan ay tiyak na darating.
Kung tayo ay may inaasahang darating sa ating bahay o opisina, o sa ating barangay o bayan, sarisaring paghahanda ang ating ginagawa. Ngunit higit sa lahat ang malinis at maayos na kapaligiran. Dagdag pa rito ang ating sarili na inihahanda upang hindi tayo mapulaan. Sa ating buhay sa pananampalataya ay higit pa rito ang kailangan. Kung naniniwala tayong babalik ang ating Panginoong Jesu-Cristo para sa atin upang kunin tayo sa kanyang sinapupunan, isang bagay ang dapat nating bigyan ng taimtim na pansin: dapat nating ihanda ang ating mga sarili sa mga sandaling iyon, na bagamat hindi natin alam kung kailan ay tiyak na darating.
---
1 Tesalonica 5:1-11
---
Ang bahaging ito ng sulat ni Pablo sa mga taga-Tesalonica ay paala-ala sa mga mananampalataya sa kanilang masusing paghahanda sa muling pagdating ng Panginoon, o ang kanyang pagbabalik. Sinabi niya na ang "pagdating ng Araw ng Panginoon ay tulad sa pagdating ng magnanakaw" (5:2). Sa kabilang dako ang mga sumusunod sa Panginoon ay hindi dapat mangamba sapagkat hindi sila nabibilang sa mga taong "nabubuhay sa kadiliman" (5:4), na sila’y nasa "panig ng kaliwanagan" at hindi sa "panig ng kadiliman o nang gabi" (5:5).
---
Ang payo ni Pablo: Kailangang . . .
---
Tayo’y manatiling gising [Gising saan? Gising sa katotohanang ang Diyos ay naririyan lamang at nakikita ang ating ginagawa; at gising din sa katotohanang darating ang Panginoon sa ating kalagitnaan ano mang oras -- gabi o araw.]
---
Laging handa [Laging handa saan? Ito ay ang pagiging handa sa mga bagay na mangyayari sa ating kapaligiran. Hindi natin alam kung kailan tayo kukunin ng Diyos, halimbawa ang kamatayan. Hindi ba dapat lamang na tayo’y laging handa kahit ano pa man ang mangyari.]
---
Malinaw ang isip. [Ang linaw ng kaisipan ang tinutukoy dito. Dapat lamang na huwag tayong mag-alinlangan sa ating pagsunod sa ating Panginoon. Na hindi tayo nagdadalawang isip sa ating pananampalataya, o dili kaya’y ipinagpapaliban ang ating pagsunod sa kanyang kagustuhan. Na malinaw ang ating konbiksiyon sa Diyos at sa kanyang kaharian.]
---
Hindi tayo dapat maglasing [yamang tayo’y sa panig ng araw].
---
Ang ibig bang sabihin nito ay hindi dapat ang paglalasing sa isang mananampalataya? Na ang mga naglalasing ay nasa panig ng gabi? Ito ba ang sinasabi ni Pablo? Maliwanag ang kanyang mga salita tungkol sa mga naglalasing!
---
Gawin nating baluti ang pananampalataya at pag-ibig.
---
Baluti: Ano ito?
Gawin nating helmet ang pag-asa sa pagliligtas . . . ng Diyos.
Gawin nating helmet ang pag-asa sa pagliligtas . . . ng Diyos.
---
Helmet: Ano ito?
Tinawag tayo ng Diyos: Hindi upang parusahan [Kung ganoon, may kaparusahang naghihintay sa mga hindi dumirinig sa kanyang mga salita. May kaparusahan sa mga hindi mananampalataya. May kaparusahan sa mga hindi susunod sa kanyang kalooban.]
Tinawag tayo ng Diyos: Hindi upang parusahan [Kung ganoon, may kaparusahang naghihintay sa mga hindi dumirinig sa kanyang mga salita. May kaparusahan sa mga hindi mananampalataya. May kaparusahan sa mga hindi susunod sa kanyang kalooban.]
---
Kundi upang iligtas [sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo]
[Kung ganoon, may kaligtasang naghihintay na ibibigay ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. At kung ito’y sa pamamagitan ni Cristo, dapat lamang na huwag nating kalilimutan na ang pagsunod kay Cristo ang tanging paraan ng kaligtasan.]
[Kung ganoon, may kaligtasang naghihintay na ibibigay ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. At kung ito’y sa pamamagitan ni Cristo, dapat lamang na huwag nating kalilimutan na ang pagsunod kay Cristo ang tanging paraan ng kaligtasan.]
---
Namatay siya para sa atin [Ito ay para sa mga nananampalataya at sumusunod sa kanyang kalooban at utos. Ang kanyang kamatayan ay para sa mga taong naniwala sa kanyang mga salita at turo.]
---
upang tayo’y mabuhay na kasama niya [Ito’y ang pagkabuhay na mag-uli sa kanyang pagbabalik sa mundong ito upang kunin ang mga sumunod at naniwala sa kanyang mga itinuro.]
---
Buhay man o patay [Isang makahulugang bahagi ng ating buhay. Ang pagparito niya’y hindi natin alam kung kailan -- buhay pa tayo o patay na. Ang tiyak na bagay ay ito: siya’y darating, at dapat tayong matiyagang maghihintay.]
---
Sa kanyang muling pagparito. [Ito’y katiyakan ng kanyang muling pagparito. Siya’y darating!]
Dahil dito patuloy kayongmagpaalalahanan [Anong paalaala ang sinasabi dito? Ito ay ang tungkol sa Panginoon, sa pananampalataya, sa matuwid na landas, sa buhay na ayon sa kagustuhan ng Diyos, sa buhay kay Cristo.]
Dahil dito patuloy kayongmagpaalalahanan [Anong paalaala ang sinasabi dito? Ito ay ang tungkol sa Panginoon, sa pananampalataya, sa matuwid na landas, sa buhay na ayon sa kagustuhan ng Diyos, sa buhay kay Cristo.]
---
Magtulungan. [Anong uri ng pagtutulungan ang binabanggit dito? Ito ay hindi lamang sa pisikal na kalagayan kundi sa espiritual, isang pagtutulungan na may kalakip na pagmamahal at malasakit.]
---
Tulad ng ginagawa ninyo ngayon. [Nakita ni Pablo ang kanilang ginagawa at sinasabi niya na ipagpatuloy iyon. Ang kanyang ipinanga-ngamba ay kung sila’y hindi magpatuloy sa kanilang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.]
---
Pangwakas
---
Sa ating buhay, pansinin natin ang lahat ng ito. Huwag nating kaligtaan ang katotohanang darating ang Panginoon, at kung siya’y darating, dapat lamang na ito’y ating paghandaan.
2 comments:
Pwede po bang magpost kayo ng panibagong sermon. Ang mga sermon po ninyo ay nakakatulong po sa akin upang mapalawak ang aking kaalaman sa mga talatang inyong tinutukoy. Maraming Salamat po. Pagpalain po kayo ng Maykapal
Gusto kong magkaroon ng aesthetics dibdib. Naghahanap ako para sa isang plastic siruhano sa Turkey.
Memeestetiği
Post a Comment